In My Own Words - Ron Centeno

a collection of thoughts and sentiments...in my own words

Your Ad Here
2/10/2009

History Repeats Itself

Written by Ron Centeno

Kung bakit paurong ang pamumuhay ni Juan dela Cruz, ito’y dapat nating usisahin.

Kaya ko nasabing paurong, dahil bago pa man sumalakay ang mga Hapon noong pangalawang pandaigdigang digmaan, ay sadya namang namamayagpag ang ating bayan. Kaliwa’t kanan ang natatanggap nating papuri mula sa ating mga karatig na bansa. Demokratiko daw tayo ‘di tulad nila. Sa katunayan, lamang lang ng konti ang mga “Sakang” noon sa atin. Sa ibang salita, pangalawa tayo sa Asia na kung saan ang mga Japon ang number one.

Ang halaga ng peso noong araw laban sa dolyar ay dalawa laban sa isa. Ngayon, 47 laban sa isa. Kung baga sa basketbol, tambak tayo.

Walang binatbat ang South Korea, Indonesia, Malaysia, at Vietnam sa atin noong mga panahon na yon. Lalong walang-wala ang Singapore at Taiwan dahil di pa sila nalilikha bilang mga bansa. Kung baga, sila’y mga palaisdaan pa lamang. 1965 naitatag ang Singapore; 1949 naman ang Taiwan nang patalsikin ni Mao si Chiang. Sobra kasing “corrupt” ‘tong si Chiang dala ng kanyang pagka-kapit sa Imperyalistang Kano. Yon, nasipa siya tuloy mula China papuntang ewan, I mean, Taiwan.

Ang dalawang panig ng Korea naman mula 1950 – 1953 ay walang puknat sa kanilang away militarismo. “Unification’ ang nais ng bawat panig. Nais ng mga taga South sila ang mamuno. Ganon din ang nais ng mga taga North. Dahil parehong ayaw pumayag, nauwi tuloy sa digmaan. Natapos ang giyera ng dalawa ngunit tabla ang kinalabasan nito. “Armistice” daw sabi ng United Nation. Kaya hanggang ngayon, ang “South” at “North” nagiisnaban pa rin sa isat-isa.

Mula ng maging Kumunista ang Norteng Korea, dalawa pa lang ang naging lider nito. Ang mag-amang Kim. Una si Kim Il-sung at ang kasalukuyang anak nitong tila may tama sa pag-iisip na si Kim Jong-Il. Alam niyo bang takot sumakay ng eroplano tong is Kim Jong-Il. Kaya nong pumunta ng Russia, train ang sinakyan niya.

Wagi si McArthur at nailigtas ang mga Koreanong dikit sa mga Kano laban sa mga Koreanong dikit sa Russo. Siyanga pala, para sa inyong kaalaman, si Ninoy na asawa ni Cory, na tatay ni Kris Aquino, at si Ninoy pa rin na pinaslang ng alam niyo na kung sino, ay nakilala bilang “correspondent” noong pumutok ang Korean War sa edad labingwalo. Kayo, nasan kayo sa murang edad na dice ocho? Ako sa may kanto, pabanjing-banjing lang.

Of course, ‘di na natin kailangang talakayin kung anong nangyari sa Vietnam dahil alam na alam niyo na ang buong detalye ng mga pangyayari. Sa dami ba naman ng pelikulang may temang Vietnam War, marahil memoryado niyo na ang kasaysayan nito. Anyway, sampung taon silang nagpatayan doon mula 1965 – 1975.

Huwag kayong magtaka kong bakit tiklop ang mga G. I. Joes sa Vietnam. ‘Di umubra ang bangis ni Rambo taliwas sa mga eksenang napanood niyo sa mga pelikula nito.
Teka, ano na ang nangyari sa ating bidang si Juan dela Cruz? Sori! Naparami ang kuwento.

Tumbukin na natin kung bakit ‘tong si Juan sikmura’y walang laman. Kung inabot niyo si Marcos, (ako bata pa ako non, hehehe…) marahil isipin niyong isa siya sa pangunahing dahilan kung bakit naghihingalo si Juan. Idagdag mo pa si Erap na sa loob lamang ng 30 buwan na panunungkulan, bulsa niya’y nagkalaman. Isama no rin si Gloria na di na rin mabilang ang nakamkam na pera sa kaban ng ating naghihingalong bayan.

Pagusapan natin ng konti si Marcos. Sa mga nakasubaybay ng kanyang mapangahas na regimen, nanggagalaiti nating balikan ang kanyang panunungkulan.

Ayon sa saligang batas ng 1935, dalawang beses lang ang termino ng pangulo. Dahil dito, nais sanang palitan ni Marcos ang konstitusiyon, Charter Change, ‘ika nga, upang magpatuloy siya sa puwesto. From presidential to parliamentary daw. Sa ganon puwede siyang tumakbo sa Ilocos at gawing Prime Minister. “Sound familiar”? Dahil ‘di pumayag ang mga mambabatas sa kagustuhan ni Marcos at dahil tuta siya ng mga Kano, mapangahas niyang diniklara ang batas militar noong Setyembre 21, 1972, under proclamation number 1081.

Katuwiran pa ni Marcos ay sa dahilang laganap kuno ang panggugulo ng mga maka-kaliwa o CPP-NPA. Terrorista raw ang mga ito at nagkalat ang mga dinamita na sumasabog sa mga establisamento sa Metro Manila. Totoong maraming pinapapasabog na dinamita. Ang hindi maintindihan ng mga iba ay kung bakit madaling araw sila sumasabog at wala man lang naiulat na namamatay maliban sa Plaza Miranda, kung saan walo sa mga kanditatong Senador na laban sa kanya ay malubhang nasugatan. Meron ding mga namatay na supporters nila. Dahil late si Ninoy na dumating, hindi siya natamaan. Mabilis namang ginawang dahilan ng kampo ni Marcos na si Ninoy ang pasimuno ng pagpapasabog sa Plaza Miranda.

Ngunit ang maliwanag na dahilan ay ang ‘orchestrated’ na plano ni Marcos, Fabian Ver, at ang dating Secretary of Defense at kasalukuyang Pangulo ng Senado ngayon na si Juan Ponce Enrile. Yes, si Enrile ang “architect” ng Martial Law nong panahon ni Marcos.

Of course, ang Martial Law ay di pangkaraniwang batas. Maliwanag kay Marcos yan. Kaya, kinakailangan ang masusing suporta ng militar para labanan ang marahas na reaksiyon ng mamayan. Kinailangan din ni Marcos ang pagsangayon ng pamahalaang Washington. Mapangahas na “OO” ang sagot ni Nixon at Kissinger sa hiling ni Marcos na pumayag ang mga ito kung sakaling ipairal niya ang batas militar. Hindi siya nagpatumpik-tumpik at sa mga sumunod na taon, ang Pilipinas ay nakabalot sa mabagsik na kamay ng diktadorang Marcos.

Una sa listahan ni Marcos ay ang pangalang Ninoy Aquino. Kumunista raw ito at kailangang dakipin. Sa kasawiang palad, mahaba ang listahan niya, kaya marami ang nadakip, nakulong, at napaslang. Ang masama ay ang walang katotohanan na ang mga ito ay maka-kaliwa at lalong hindi sila terrorista.

Dahil lahat ng kontra kay Marcos ay pawang patay na o ‘di man nakakulong na, walang pakundangan niya at mga galamay niya na gahasahin ang kaban ng bayan.
Mahigit dalawampung-taon ang lumipas mula nang maluklok si Marcos sa kapangyarihan nang sabay-sabay na magalit ang mga katulad ni Juan dela Cruz na lugmok sa kahirapan. “Tama na, sobra na”, ang nagkaisang sigaw nila. Sa EDSA, kung saan sila nagipon-ipon, walang takot na hinarang ang sibat. Nanaig ang galit ng mga Filipino at sa wakas, bumagsak ang mapang-aping rehimen ni Marcos.

Ilang taon mula nang mapatalsik si Marcos, ilang mga pangulo at politico na rin ang naupo, at heto na naman tayo. Ika nga ni Garry Valenciano, “Di na natuto.” Para silang recycle na tabo, pabalik-balik lang.

Hindi ko na kailangang isalaysay sa inyo ang mga masasamang pangyayari sa liderato ni Gloria Macapagal-Arroyo. Alam ko namang kabisado niyo na rin ang kalakalan ng kanyang pamumuno.

Mula sa isyung “Hello Garci”, “Fertilizer Scam”, “ZTE Scam” at ang kasalukuyang “Illegal Bidding Scam”, at kung ano-ano pang scam, alam kong sariwa pa lahat ang mga yan sa inyong mga isipan.

Ang mahalaga, naitawid ko sa inyo ang maiksing kuwento ng rehimeng Marcos. Kaya ko nasabing mahalaga, dahil sa mga nakikita kong galaw ni Gloria, para siyang reincarnation ng Marcos era. Remember, “History repeats itself”.

SANA MALI AKO…

5 Your Thoughts/Comments Here::

Anonymous said...

wow!galing mo naman po kuya..sabi mo sana mali ka..pero mukhang totoo naman po eh..let me follow your blog..pls also visit mine.i'm just newbie in blogger world..
http://beyondcrypticness.blogspot.com/
http://beyondcrypticness.weebly.com/

Anonymous said...

Korek ka dyan pare! galing mo! medyo mahaba nga lang basahin. Hehehehehe!

EngrMoks said...

Ako... isa ako sa galit at talikod sa gobyerno natin mula noon pa... una akala mo aahon, makalipas ang ilang buwan..bagsak na naman. Nakakawalan ng pag-asa! Lalo na ung panahon ni FVR kung kelan tinawag ang bansa natin na Tiger Economy, pero ano nangyari nang malapit ng matapos ang kanyang termino naglahong parang bula ang tigre. Sa panahon ni PGMA, gumaganda na sana ang lagay ng ekonomiya natin, unti-unting nakakaahon ang piso, pero ngayon...sabay-sabay nagbabagsakan, piso, bigas, langis, presyo ng bilihin. Lahat na bumagsak, hirap mabuhay sa ganitong uri ng gobyerno, puro pulitika ang pinapairal, puro yaman ng bayan ang iniintindi. Pero tol tama ka nga... sana din ay MALI DIN ANG PANANAW AT OPINYON KO.

Anonymous said...

Nice blog!

Anonymous said...

wow galing ng blog m...nkakahanga!!!

Post a Comment